Ang pagiging popular at sikat ni Herlene Bundol o mas kilala ng publiko bilang si Hipon Girl, ay nagsimula sa hindi sinasadyang pagkakataon.
Nagsimula ang lahat ng magandang pangyayari sa buhay ni Hipon Girl, ng siya ay maging isa sa mga contestant ng isa sa mga segment ng Wowowin, isa sa mga show ng host na si Willie Revillame sa GMA-7.
Dahil sa kanyang pagiging entertaining at charming, ay agad nakuha ni Herlene ang atensyon ng mga manonood at pati na rin ng host ng programa na si Willie.
Kaya naman matapos ang kanyang pagiging isang contestant, ay agad siyang naging co-host sa nasabing programa, kung saan ay kabilang siya sa mga itinuturing na Willie’s Angels ng Wowowin, kabilang sina Sugar Mercado, Donita Rose at iba pa.
Maliban pa sa pagiging isang co-host sa popular na programang Wowowin ng GMA-7, ay nagkaroon rin ng pagkakataon si Herlene na ipakita ang kanyang talento sa pag-arte. Unang beses na sinubukan niyang ipakita ang kanyang pagiging isang aktres sa “Magpakailanman”, kung saan ay gumanap siya bilang ang OFW na na-inlove sa kanyang employer.
Talaga namang humanga ang maraming manonood kay Herlene o Hipon Girl, dahil hindi lang pala ito magaling sa pagpapatawa at pagbibigay aliw sa mga manonood, kundi nagawa rin nitong paluhain ang mga manonood dahil sa kanyang angking galing bilang isang artista.
Halos hindi maisip ni Herlene, kung gaano kabilis ang naging pag-asenso niya sa kanyang buhay. Mula ng siya ay maging co-host ng Wowowin, ay talagang marami na siyang naipundar ng mga ari-arian, ilan na nga sa mga ito ay ang kanyang bahay, sasakyan at may sarili na rin siyang negosyo.
Ngunit batid niyo ba na bago pa makamit ni Herlene o Hipon girl ang lahat ng tinatamasa niya ngayon, ay naranasan niya ang hirap ng buhay?
Sa isang naging panayam noon ng GMA Network kay Herlene, ay ibinahagi ng dalaga kung gaano kahirap ang buhay noon ng kanilang pamilya. Ayon din kay Herlene, hindi ang kanyang talento ang nagdala sa kanya sa kung ano man ang narating niya ngayon, kundi ang pagiging makapal ng kanyang mukha at tibay ng kanyang loob.
“Wala akong talent. Wala akong kahit na anong talent. Kapal lang ng mukha ang nagdala sa akin dito. kung may talent may ako, pero hindi rin makapal ang mukha ko , wala rin”, saad nga noon ni Herlene.
Ayon rin sa dalaga, lumaki siya sa gabay ng kanyang lolo at lola, kung saan ay proud ang mga ito sa kung ano man ang narating niya ngayon. Sinabi rin ni Herlene na para sa kanyang lolo at lola, mula noon na hindi pa siya popular, ay talagang siya na ang nagbibigay kaligayahan at inspirasyon sa kanila.
Hindi rin nakalimutan ni Herlene na pasalamatan ang taong naging daan at tumulong sa kanya para marating niya ang popularidad niya ngayon, at ito nga ay si Willie Revillame.
Source: Famous Trends
0 Comments