May kasabihan ang marami sa atin na “the best way to get into man’s heart is through his stomach”, na kung saan ay ibig sabihin na sa isang babae kung talagang nais mong mapa-ibig ang lalaking iyong napupusuan at ang pamilya nito ay dapat magaling ka sa sa pagluluto.
Marahil ay ito ang isa sa mga napusuan ng actor-host na si Vhong Navarro sa kanyang asawa ngayon na si Tanya.
Ngunit ngayon ay hindi lang si Vhong ang ipinaglaban ni Tanya, dahil maging ang ating magigiting na frontliners ay ipinagluto rin ng butihing asawa ni Vhong.
Sa Instagram ni Vhong Navarro ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng larawan ng kanyang asawang si Tanya, habang ito ay abala sa pagluluto.
Ayon sa caption na ibinigay ng actor-host, ang inihanda niya ang luto ng pagkain para sa mga frontliners ay mula sa IAMHopr Organization, kung saan ay ang magkakaibigang Bea Alonzo, Vhong Navarro at ilan pang malalapit nilang kaibigan ang nagtatag ng organisasyon na ito.
“Para sa ating mga frontliners mula po sa @imahope_org. Cooked with love by @t.winona. Thank You, Mahal”, ang naging pahayag nga ng aktor sa kanyang caption ng ibahagi niya ang larawan ni Tanya habang ito ay nagluluto ng pagkain para sa mga frontliners.
Sa kabilang banda naman, ibinahagi rin sa Instagram ng, @iamhope_org. page, ang isang video na kung saan ay mapapanood ang pagiging abala ng mag-asawang Vhong at Tanya sa pagprepara ng pagkain na para sa mga fronliners.
Makikita rin sa naging caption ng ibinahagi ng video ng @iamhope_org. page, kung gaano sila nagpapasalamat sa mga taong nagbigay at tumulong upang maisagawa ang bagay na ito na batid nating malaking kasiyahan ang magiging dulot sa ating mga frontliners.
Isa pa sa pinasalamatan ng nasabing organisasyon ay ang nag-donate ng ginamit nilang packaging sa pagkain dahil sa napaka-eco-friendly nito.
Samantala, isang mensahe rin ng pasasalamat ng inihayag ng aktres na si Bea Alonzo para sa kaibigan nitong si Vhong, dahil ayon kay Bea ay nag-donate din si Vhong para sa kanyang last relief drive na kung saan ay namamahagi rin ang aktres ng makakain para sa ating mga medical frontliners.
Patuloy na naman ang ginawang pagtulong at pakikiisa ng I AM Hope organization sa abot ng kanilang makakaya, upang labanan ang pagkalat ng pandemic COVID-19.
Sa panahon ngayon na tayo ay humaharap sa matinding krisis dulot ng pandemic, ay kinakailangan na pangibabawin natin sa bawat isa ang pagtutulungan at pagkakaisa.
Source: Famous Trends
0 Comments