Alex Gonzaga Nabatukan Ng Mommy Ni Ivana Alawi

 
Dalawa sa pinaka tinitingala at pinaka pinapanuod na Youtube channel ngayon ay ang mga channel nina Ivana Alawi at Alex Gonzaga. Kaya sa tuwing nagkakaroon sila ng Collab, siguradong uulan ng katatawanan at siguradong mag eenjoy talaga ang mga manunuod.

Mahigit apat na million views na ang video na kung saan mapapanuod na binatukan ni Mommy Fatima ang kanilang bisitang si Alex Gonzaga. Maging si Ivana at ang kapatid nitong si Mona ay nagulat sa nagawa na kanilang mahal na mommy Fatima. Bakit kaya binatukan ni Mommy Fatima si Alex Gonzaga ? Panuorin ang siksik sa komedyang video.
Naalala nyo pa ba nung mga panahon na Si Ivana Alawi ay inireklamo sa sikat na radio personality na si Raffy Tulfo ? Para sa mga hindi nakakaalam, Minsan nang natulfo ang idolo nating si Ivana, pero huwag kayo mag alala, napatulfo si Ivana hindi dahil sa may ginawa siyang hindi maganda, kundi dahil parte ito ng prank ni Mona at ng kanilang Ina na si Fatima.  Talagang napaiyak dito si Ivana, pero dahil sa prank din na ito mas nakilala ng mga fans ang tunay na ugali ni Ivana, kaya sa huli mas lalong minahal ng tao ang Aktres.

Pero, hindi natatapos ang lahat dun. Dahil si Ivana naman ang nagprank kay Mommy Fatima at kay Mona. Sa pagkakataong ito, ang sikat na Vlogger naman na si Alex Gonzaga ang tumulong kay Ivana para masagawa ng maayos ang plano ni Ivana.

Siksik sa kakatawanan ang nagging vlog na ito ni Ivana. Walang duda na madaragdagan pa ang mga views nito sa Youtube. Pero ang nagging highlights talaga ng vlog na ito ay ang reaction ni mommy Fatima at ang galling umarte ni Alex Gonzaga. Panuorin nyo na lang ang video at siguradong mag eenjoy din kayo kagaya naming.

Source: Online True Stories

Post a Comment

0 Comments