Tingnan Ancestral House Ni Joel Cruz At Ang Naggagandahang Bedroom Ng Kanyang Mga Anak

Sa isang episode ng “Tunay na Buhay” na mapapanood sa Kapuso Network, ay ipinakita ng tinaguriang “Lord of Scents” na si Joel Cruz, ang host nito na si Rhea Santos sa kanilang ancestral house na matatagpuan sa Sampaloc, Manila.




Isa-isang ipinasilip ni Joel, ang mga bahagi ng kanilang ancestral house, kung kaya’t makikita rin sa mga larawan g nag-gagandahang bedrooms ng kanyang mga anak.

Image Credit via Google

Kinilala si Joel Cruz bilang isang celebrity businessman at perfume mogul, at batid ng marami sa atin na siya ay may pitong anak na sina Prince Harry, Princess Shynne, Charles, Charlotte, Prince Sean, Prince Harvey, at Zeid.

Image Credit via Google

Matatandaan na September 2010, ng ipanganak ang unang kambal na anak ni Joel Cruz na sina Prince Sean at Princess Synne. Ngayon ay anim na taong gulang na ang mga ito, ay nanatili pa rin na magkasama sila sa iisang bedroom, kung saan ay makikita ang magka-ibang personalidad ng mga ito.

Image Credit via Google

Tulad nga ng ibang magkapatid, ay nagkakaroon rin ng hindi pagkakaintindihan ang unang kambal na anak ni Joel Cruz, ngunit ayon sa kanya ay agad naman itong nagkakabati, “Sandali lang naman ‘yon.”

Image Credit via Google

Ang sumunod na kambal na sina Prince Harry at Prince Harvey, ay ipinanganak naman noong October 2015, at magkasama rin ang dalawa sa iisang silid.

Image Credit via Google

Mapapansin sa larawan na hindi kasama ni Prince Harvey ang kanyang Twin Brother, ng pumasok sa loob ng kanilang silid sina Rhea Santos at ang kanilang Daddy Joel, ito ay dahil nasa isang speech therapy session umano si Prince Harry.

Image Credit via Google

Ipinaliwanag naman ni Joel, sa Tunay na Buhay host kung bakit may speech therapy si Prince Harry. “Harry kasi is behind ng mga eight to nine months, so nag-iispeech therapt siya, may delay lang”, ayon kay Joel.

Image Credit via Google

Sina Charles at Charlotte, ang pangatlong kambal na anak ni Joel ay ipinanganak noong May 2017 at ang mga ito naman ay natutulog sa kanyang dating silid na ayon kay Rhea ay isang “cozy” bedroom.

Ang bunsong anak naman ni Joel na si Baby Zeid, na ipinanganak noong June 2018 ay isang palangiting bata, na ayon kay Joel ay ito lamang ang talagang palangiti sa lahat ng kanyang mga anak.

Ibinahagi rin ng “Lord of Scents” na si Joel Cruz, na ang mga pangalan ng kanyang mga anak ay personal niyang kinuha sa Bibliya. “It’s all biblical names. Like, ift of God or precious gift of God,” saad ni Joel.

Samantala, sa naging paglilibot naman ng Tunay na Buhay sa Ancestral House ni Joel Cruz, ay makikita ang iba’t ibang bahagi ng kabahayan. Tulad na lamang ng maliit na Play Area ni Prince Harvey sa loob ng bahay, ayon nga kay Joel ay ito ang pinaka “bibo” sa lahat ng kanyang mga anak.

Sa isa naman sa mga living room ng bahay, ay makikita ang nagrara-mihang mga framed photo ng mga anak ni Joel Cruz. Ipinakita rin ng Tunay na Buhay ang formal dining room at façade ng ancestral house na ito ni Joel Cruz.

Ng mga panahon naman na bumisita ang Tunay na Buhay sa ancestral house na ito ni Joel Cruz, ay nag-iisa pa lamang si Baby Zeid sa kanyang silid ngunit pag-dumating na ang kanyang kapatid na pang walong anak ni Joel Cruz na ipinanganak noong November 6, ay makakasama ito ni Baby Zeid sa kanyang silid.

Batid naman ng marami sa atin na lahat ng mga anak ni Joel Cruz ay ipinanganak via surrogacy, ayon sa kanya lahat ng kanyang mga anak ay totoong magkakapatid dahil sa isa lamang ang kanilang surrogate mother at ito ay isang Russian na nagngangalang Lilia.

Bilang isang ama naman ay ang nais ni Joel, ay ang mapalaki niya ang kanyang mga anak na may respeto sa kanya, na maging hanggang sa pagtanda ng mga ito ay hindi mawawala ang respeto at pagmamahal ng mga ito sa kanya sa kabila ng pagiging iba niya sa ibang mga ama.




“I’m a different kind of daddy, di ba? I’m not straight, I’m gay, I’m out, and wala silang mommy. So, sana from beginning to end, yung respeto na ‘yon, panghawakan nilang lahat, sa akin. Yung pagbibigay nila ng respeto, hanggang tumanda ako,” saad nga nito.

Matatandaan naman, na naitampok na rin noon ng Tunay na Buhay ang Mansion ni Joel Cruz na matatagpuan sa Tagaytay. Isa rin itong napakalaking bahay na talaga namang maituturing na mansion, kung saan ay may sarili itong elevator sa loob.



Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments