Si James Carlos Agravante Yap Sr.,o mas kilala ng publiko bilang si James Yap ay isa sa mga kinikilalang propesyonal na basketbolista ng basketball team na Rain os Shine Elasto Painters ng Philippine Basketball Association(PBA).
Bago man nakilala si James Yap, bilang ex-husband ni Kris Aquino, ay kilala na talaga siya bilang isa sa pinakamagaling na basketbolista , kung saan ay binansagan siya bilang si Big Game james.
Halos 12-seasons din siyang naglaro sa Star Hotshots, kung saan ay pitong beses nag kampeon ang kanilang team sa PBA championship. Dalawang beses rin siyang hinirang na MVP player , at 16-time na hinirang bilang PBA All-Star.
Sa lahat nga ng tagumpay ni James Yap bilang isang basketbolista, ay talaga namang masasabi natin na isa na siya sa mga basketbolistang may maayos na pamumuhay ngayon. At isa sa magpapatunay nito, ay ang kanyang modernong condominium na talaga namang napakaganda.
Isang mala-hotel na may kamangha-manghang mga ilaw na nagbibigay liwanag ang kaagad ay mapapansin sa condominium na ito ni James. At upang mas mapaganda pa nga ang disenyo ng kanyang condominium ay nagpatulong siya sa isang interior designer na si Kim Policarpio.
Masasabi naman na perpekto ang lugar na ito, para sa isang atletang katulad ni James, dahil matapos niyang mapagod sa paglalaro ng basketball ay talaga namang makakapag-relax siya ng maayos sa kanyang condominium dahil sa napaka-relaxing ng vibe nito.
Ilan sa mga kagamitang pinili ng interior designer na si Kim para sa condominium na ito ni James, ay ang mga modernong style na uso sa panahon ngayon. At may ilan din namang kagamitan na pina-customized pa mismo nito, upang mas maging komportable ang basketbolista sa kanyang condominium.
Makikita nga sa larawan na ang living area ay mayroong iba’t-ibang magagandang seating pieces’ o mga upuan, at sa gitna nito ay mayroong glass center table. Simple ngunit kakaiba naman ang disenyo ng chandelier na nagbibigay liwanag dito.
Sa dining area naman ay makikita ang rectangular glass dining table, at ang high-back chairs na kulay velvet. Mayroon din ditong breakfast bar, na kung saan ay may nakapwesto ang tatlong leather chair. Pagdating naman sa may bandang kusina, ay mapapansin ang kasimplehan nito ngunit moderno pa ring tingnan.
Isang malawak na silid-tulugan naman ang pahingaan ni James sa condominium niyang ito, na kung saan ay na kukulayan ito ng brown color palette. May makikita rin single leather seat sa may tabi ng kama ni James.
Upang magbigay ng karagdagang dating ng pagiging masculine ng bahaging ito ng bahay, ay nilagyan din ito ng kulay brown rug, at isang napakagandang chandelier. Mayroon din ditong entertainment area, na may malaking sofa na kulay dark gray.
Source: Famous Trends
0 Comments