Isang simple ngunit masayang pamumuhay ngayon ang nararanasan ng mag-asawang celebrity na sina Gwen Zamora at David Semerad.
Si Gwen Zamora ay isang aktres, na mas nakilala sa pelikulang “Si Agimat at Si Enteng Kabisote”, ng gampanan niya ang karakter dito bilang si Faye. Samantalang isang kilalang PBA Basketball star naman ang kanyang asawang si David.
Ng isilang ni Gwen ang kanilang anak na si Cooper, noong 2019 ay sa isang simpleng tahanan na naninirahan noon ang mag-asawa at ito nga ay tinawag nilang “Semerad Home” bago pa nga mapasa-ilalim sa ehance community quarantine ang buong Luzon.
Sa isang panayam nga sa aktres, ay nasabi nito na maswerte sila dahil sa naninirahan na sila sa isang mala-probinsyang lugar sa Batangas bago pa nga magkaroon ng lockdown, na kung saan ay mas safe sila ng pamilya higit ang kanyang anak.
“We are so grateful, we made it here on time for lockdown, we honestly feel safer, especially for cooper whereas he get to grow with nature and breath fresh air.”
Ayon pa nga kay Gwen ang lupain na kinatitirikan ng kanilang humble home na ang disenyo ay tila isang “Bahay Kubo”, ay dalawang taon ng nabili ni David bago pa nga nabuo dito ang kanilang tahanan. Halos tatlong buwang din umano bago natapos ang tahanan nilang ito, na ginawa noong 2019.
“Both being half Filipinos, we wanted something different from what we’ve grown up with. A true taste of the Philippines. A kubo was deal for giving us that cabin feel and a true blend with a nature of our surroundings.”
Ibinahagi din ng aktres, na isa sa mga nagustuhan nila sa lugar ay yung naeenjoy nila ang kapaligiran, at mas nakakalanghap ng sariwang hangin ang kanilang anak na si Cooper.
Enjoy din umano siya, pagdating sa kanilang outdoor kitchen, na kahit simple ay malawak naman ito at tanaw mula rito ang tanawin mula sa labas.
Bago pa man din maglockdown, ay nakapagtanim na rin ang asawa ng aktres, na si David ng ilang mga klase ng gulay na talaga namang ipinagpapasalamat niya dahil sa hindi sila mahihirapan sa paghahanap ng mabibilhan pa ng mga sariwang gulay.
“Even before we got here for lockdown, David already started planting or germination some fruits or veggies. So far he was able to plant, papaya, chilis, eggplant, tomatoes, corn, pumpkin, watermelon, calamansi, sweet potatoes, mangoes, upos, beans, lemons, guyabanos, sunflower, okras, beans, banana, cucumber, and mandarins. He truly has a green thumb.”
Kahanga-hanga nga namang ang mag-asawang Gwen at David, dahil sa kabila ng pamamahinga sa kani-kanilang industriyang kinabibilangan dahil sa pandemic ay hindi naman nagmamadali ang dalawa na bumalik sa Metro Manila, at mas-ineenjoy pa nga ng mga ito ang simpleng buhay sa probinsya ngayon.
Source: Famous Trends
0 Comments