Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa grupong MOMOLAND ngayon? Sila lang naman ang isa sa pinaka-popular at pinakasikat na Kpop group ngayon. ANg grupong ito ay kinabibilangan ng siyam na magagandang Korean ladies at unang nabuo ang grupo ni lang ito noong taong 2016 sa ilalim ng MLD Entertainment.
Mas lalo pa ngang nakilala ang grupo ng maging popular sila sa social media.
Matatandaan naman na noong 2017, ng magsimula ang pagkilala sa mga koren groups na tulad nga ng MOMOLAND.
January 2018 naman ng magkaroon ang nasabing grupo ng kanilang mainstream breakthrough ng isa sa kanilang pinakasikat na kanta, at ito nga ay ang Boom Boom.
Isa sa mga miyembro ng Kpop group na MOMOLAND ay si Nancy Jewel Mcdonie (Lee Seung Ri), o mas kilala bilang si Nancy.
Siya ang itinuturing na biswal at sentro ng grupo sapagkat siya ang lead vocalist at lead dancer nito, na hindi naman kataka-taka dahil sa ipinakita niyang talento ay talaga namang hinangaan ng buong mundo ang angkin niyang ganda at talento.
Maliban nga sa pagiging isang miyembro ng sikat na Kpop group na MOMOLAND, ay marami nga ang nais malaman kung ano ang buhay ni Nancy noong hindi pa niya nararating ang kasikatan. At dahil konti lamang ang mga detalye tungkol sa buhay ni Nancy na makikita sa mga search engine, ay gumawa tayo ng ibang paraan upang matukoy ito.
Tulad nga ng ibang mga popular na artista at mga personalidad, bago narating ang kasikatan at tagumpay sa buhay ay may mga pagsubok rin na pinagdaanan si Nancy sa kanyang buhay.
Isang American-Korean si Nancy, dahil ang kanyang ama ay isang Americano at isang Koreana naman ang kanyang ina. Siya ay ipinanganak noong April 13, 2000, na kung saan ay lumaki siya sa Amerika ngunit nagsimulang manirahan sa Korea ng doon na siya mag-aral ng highschool.
May older sister din na kasing ganda niya si Nancy, at ito ay si brenda Lee Mcdonie, na isang cellist.
Unang sinimulan ni Nancy ang pagtupad sa kanyang pangarap, ng mag-auditioned sila ng kanyang mga kaibigan sa Korea’s Got Talent, kung saan ay tinawag nila ang kanilang grupo na Cutipies. Lumabas at napanood din ang dalaga sa ilang variety show, tulad na lamang ng show na Tooniverse Mak Irae Show.
Taong 2016 nga, sa edad niyang 16-taong gulang ay sumubok si Nancy na lumahok sa isang reality show at ito na nga ang FINDING MOMOLAND, isang survival program. Hindi naman siya nagbago dahil kabilang siya sa 7-winning member’s ng nasabing show.
Dahil 6-years trained si Nancy at may mga experienced na rin siya, ay itinuturing siya sa grupo bilang pinaka bata ngunit pinaka eksperyensado sa mga ito.
Maliban pa nga sa pagiging isa sa mga miyembro ng MOMOLAND, isa na rin sa mga miyembro ng SUNNY GIRLS (5-piece Kpop girl group) si Nancy, na nabuo naman dahil sa SBS music program na Inkigayo and Double Sidekick. Tinawag na naman na “Taxi”, ang unang debut single na kanilang ginawa.
Hindi nga lamang hinahangaan si Nancy bilang isang miyembro ng grupong MOMOLAND, dahil maging sa social media ay marami ang humahanga sa kanya at itinuturing nga ang dalaga na social media sweetheart.
Sa ngayon nga, ay nagsisimula na rin ang young pop actress na pasukin ang local television film series, at may bali-balita pa nga na magiging katambal ang dalaga ng Filipino actor at itinuturing na teen heartthrob na si James Reid.
Nakaka-excite nga naman ito, ang makita si Nancy sa isang local tv series at katumbas ang isang gwapong aktor tulad ni James.
Source: Famous Trends
0 Comments