Dahil sa pagkakaroon ng ECQ (Enhance Community Quarantine), at kailangan ng bawat isa sa atin na magstay at home marami sa atin ang nakaka-miss ng mga mahahalagang okasyon o pagdiriwang kasama ang pamilya o mahal sa buhay, lalo na kung malayo ka sa mga ito.
Isa na dito ang aktres na si Kathryn Bernardo, na dahil sa ECQ ay na-miss niya ang munti at simpleng salo-salo para sa kaarawan ng boyfriend niyang si Daniel na ginanap sa bahay nito.
Kaya naman nitong Miyerkules sa naging panayam at kwentuhan sa KathNiel ng “Magandang Buhay”,ay instant kilig ang mga bagay-bagay na napag-usapan tungkol sa pagiging matibay ng relasyon ng dalawa at pag level-up nito.
Mas lalo pang pinakilig nina Daniel at Kathryn ang kanilang mga tagahanga, ng mapag-usapan ang ideya nilang dalawa tungkol sa pagpapakasal.
At dito nga nalaman natin, na pareho pala ang dalawa na ang nais o pangarap ay isang beach wedding, kung saan ay ang kanilang mga makakasama pagdating ng araw na iyon ay ang mga taong naging parte ng kanilang buhay, at may malaking bahagi sa kung ano silang dalawa ngayon.
“Pareho kami na ang gusto ang wedding ay sa beach kasama ‘yung mga tao na naging parte o tumulong kung paano kami naging ganito ngayon. Maraming tao na tumulong din sa relationship naming simula noong nagsimula kami hanggang ngayon. Kaya nasasabi parati na balang araw beach wedding tayo kasama ang mga taong ito.
Tapos magce-celebrate lang kayo roon para ma-enjoy lang ang lahat,” ang naging kwento ni Kathryn. Masasabi nga natin na pinatatag na ng panahon ang relasyon ng KathNiel, dahil ngayon nga ay road to 8-years na ang dalawa.
Kaya naman sa naging kwentuhan sa “Magandang Buhay”, ay hindi napigilan ng dalawa ang ibahagi at balikan ang ilan sa mga hindi nila makakalimutan sa naging pagsisimula ng kanilang relasyon.
“Nakakatuwa balik, ‘yung eksena kko dati, noong nanliligaw pa lang ako kay Kathryn. Kung paano ako magka anxiety attack dahil sa pagseselos sa kanya, ‘yung mga ganoon. Anxiety talaga ‘yon. Hindi ba, Bal? saad nga ni Daniel.
“Swear, totoo. Nagkaganyan siya,” ang naging kasagutan naman ni Kath sa inamin ng nobyo. Naikwento pa nga ni Daniel, na naranasan din niya ma-hospital dahil sa kanyang pagseselos.
Ayon pa din sa kwento ng aktor, ay hindi perpekto ang relasyon nila ni Kathryn, may mga pagkakataon din na nag-aaway sila, pero mas pinipili nilang ayusin agad ang kanilang hindi pinagkasunduan.
Sinabi rin ng aktor, na malaki ang respeto niya kay Kathryn at ayaw niya itong mabastos, kaya naman sa bawat oras magka-away man sila o hindi ay napanatili ni Daniel ang respeto niya sa nobya.
Ngayon nga na halos magkasama silang nagmature, ay masasabi ng dalawa na mature din nilang hinarap ang mga naging tampuhan sa kanilang relasyon.
“Siguro through the years, ‘yun ang natutunan naming sa isa’t-isa. Noong bago kami parang untugan kami nang untugan, pataasan kaming dalawa. So through the years, natutunan na namin, kung may hindi kami pagkakaunawaan kung paano siya aayusin, kung paano siya iha-handle ng mas kalmado.
Minsan may mga bagay na dati kapag nasabi niya ‘yon o nagawa niya “yon ay ikakagalit mo. Pero ngayon mas kalmado mon a iti-take ‘yung problema na ‘yon at mas maayos na agad…. I think respeto ang pinakamahalagang ehemplo sa isang relasyon talaga,” saad ni Daniel.
Ibinahagi rin ng aktor, na marami siyang natutunan sa nobya, at isa na dito ay kung paano ilevel-up ang kanilang relasyon. Hindi umano pwede na plateau lang siya, hindi pwede na kung ano ang nakasanayan ay paulit-ulit na lang na yon ang gagawin, kasi maaari itong mag-cause ng boredom sa isa’t-isa.
Kailangan umano na yung effort mo sa relasyon niyo ay hindi mawawala, ayon sa aktor ay ganoon si Kath, yung tipo na lagi siya nitong hinihila pataas. At ngayon na ECQ, kung saan ay hindi nagkakasama ang dalawa at sa tawag o video-call lang sila magkausap, ay masasabi ni Kathryn na pinagtibay pa lalo ng sitwasyong ito ang kanilang relasyon.
Dahil mas nakikita niya pa kung gaano siya kamahal ng nobyo, maging ang kanyang pamilya dahil sa pagiging concern nito. “Yun ang pinaka-test dito.’Yung pagka kamusta sa pamilya ko, kung paano naman ako sa side niya. Tapos palagi niya akong tinatanong kong naka-lock baa ng pinto niyo.
Double-check mo, baba ka, ganyan. ‘Yung little things na pag che-check at mini-make sure kung ano ang kailangan namin dito,” pahayag ni Kathryn. At kahit nga parehong naka-stay at home ang magkasintahan sa kani-kanilang bahay, ay payuloy naman ang ginagawa nilang pagbibigay ng tulong sa “Lingkod Kapamilya ng ABS-CBN.”
Source: Famous Trends
0 Comments