Marami na tayong mga kilalang personalidad na naging sikat na artista at popular dahil sa sila ay nagwagi sa mga kompetisyon na kanilang nilahukan.
Ngunit may ilan din namang personalidad na kahit pa nga ba sila ay nabigo ng nasungkit ang pagiging kampeon sa nilahukan kompetisyon, ay nagbukas pa rin sa kanila ang magandang kapalaran sa industriya ng showbiz. Kilalanin natin sila;
CHRISTIAN BAUTISTA
Nagsimula siya bilang isang kalahok sa singing competition na “Star in a Million” noong 2003, kung saan ay nakalaban niya rito ang kanyang kaibigan na ngayon na si Eric Santos na siya ring naging kampeon sa kompetisyon.
Siya ang itinanghal na 3rd Runner Up ng “Star in a Million”, ngunit kahit pa nga ba hindi siya ang naging kampeon ay hindi naman ito naging dahilan upang hindi niya matupad ang kanyang pangarap. Gumawa siya ng sarili niyang pangalan sa industriya ng showbiz, gamit ang kanyang talento na taglay.
Ngayon nga ay isa na siya sa mga popular na singer sa ating bansa at kinilala bilang “Asia’s Romantic Ballader.” Ilan sa kanyang mga kanta na kanyang pinasikat ay “Hands to Heaven”, “Color Everywhere” at “The Way You Look At Me”.
PAULO AVELINO
Si Paulo Avelino, ay unang nakilala sa reality show ng GMA Network na “Star Struck” noong taong 2006 kung saan nagwagi si Aljur Abrenica bilang Ultimate Heartthrob at si Jewel Mische naman bilang Ultimate Sweetheart samatalang si Marc Escudero at Kris Bernal naman ang itinanghal na Ultimate Loveteam.
Bagama’t hindi pinalad na magwagi sa “Star Struck”, nagbukas naman ang pintuan ng ABS-CBN kay Paulo Avelino, kung saan nakilala siya ngayon bilang isa sa mga most bankable leading men. Taong 2012, ay nagwagi rin ang aktor ng Gawad Urian Award dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte sa “Ang Sayaw ng Dalawang Paa”.
MORISSETTE AMON
Isa siya sa mga naging kalahok ng singing competition na “The Voice Philippines” taong 2013, kung saan, hanggang semi-finals lang ang kanyang narating at bigong nakapasok sa finals.
Ngunit kahit ganoon ang nangyari, ay hindi mo akalain na malayo ang narating ng career ni Morissette.
Siya na ngayon ay kilala sa industriya ng OPM bilang “The Next Big Diva”, at isa na rin sa pinakasikat at popular na singer dito sa ating bansa.
Nitong nakaraan nga lamang sa ginanap na 49th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, ay ginawaran siya bilang Most Promising Female Concert Performer.
JULIE ANNE SAN JOSE
Taong 2005 ng maging kalahok siya sa “Popstar Kids”, ngunit bigo siyang nagwagi, dahil ang itinanghal na ultimate champion ay si Rita Iringan o mas kilala natin ngayon bilang si Rita Daniela.
Pero hindi ito naging dahilan upang sukuan ni Julie Ann ang kanyang pangarap na maging isang singer, kaya patuloy siyang nagsumikap hanggang sa dumating nga ang kanyang pinakahihintay. Ang most awaited break niya ay ang rendition ng “Super Bass” ni Nicki Minaj kung saan ay nakukuha ito ng 21.9M views.
Taong 2012 naman ng ang kanyang self-titled album ay umani bilang Diamond Record Award, kaya naman ngayon ay hindi na katakataka na tanghalin siya bilang Asia’s Pop Sweetheart dito sa ating bansa.
SANDARA PARK
Una siyang nakilala ng maging kalahok siya sa ABS-CBN reality TV competition na “Star Circle Quest” noong 2004. Hindi siya pinalad na nagwagi, dahil ang pinalad na maging kampeon ay si Hero Angeles.
Sa kabila ng hindi niya pagwawagi, ay nagkaroon siya ng ilang proyekto at pelikula kung saan ay mas lalo pa siyang nakilala sa industriya. Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang siya ng pag-abot sa kanyang mga pangarap bilang artista, ay nagdesisyon siyang umuwi sa kanyang homeland sa South, Korea noong 2009.
Ipinakilala siya bilang bagong miyembro ng 2NE1, isang Korean group na puro mga babae ang miyembro. Ang kanilang grupong 2NE1 ay isa sa mga sumikat na K-Pop girl group, kung saan ay nagpalit din siya ng kanyang screenname bilang si Dara. Taong 2016 naman ng lumabas sa balita na ang grupong ito nina Sandara ay mabuwag.
Paminsan-minsan ay bumisita pa rin ang si Sandara dito sa ating bansa, dahil ayon sa kanya ay ang Pilipinas ang kanyang second home.
Source: Famous Trends
0 Comments