Kathryn Bernardo Ibinahagi Kung Gaano Siya Ka Proud Sa Ate Niya Na Isang Frontliner

Isa ang ate ng aktres na si Kathryn Bernardo sa maituturing natin na Bayani na nakikipaglaban at sagupaan ngayon sa banta ng Covid-19, na laganap na sa buong mundo. Ang ate ng aktres ay isang nurse na nagtatrabaho sa United Kingdom.




At sa kabila ng pangamba ng aktres para sa kalusugan ng kanyang ate, ay ibinahagi nito kung gaano siya ka-proud dito sa kabila ng patuloy nitong pag-ganap sa tungkulin nito bilang isang nurse sa abroad kahit pa ng aba may banta ng Covid-19.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

“Young sister ko mismo, nagtatrabaho siya sa UK. Nagkukwento siya kung paano ang sitwasyon niya doon, kung ano ang sitwasyon nila and hindi siya joke. So mas naging proud ako lalo sa ate ko during this situation,” ang naging pagbabahagi ni Kathryn sa panayam niya sa Magandang Buhay.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Ibinahagi rin ni Kath ang mga bagay na narealize niya, ng dahil sa pandemic crisis na kinakaharap ng halos lahat sa atin ngayon.

“Una, na-realize mo kung gaano ka-precious ang buhay. Parang dati alam mo naman pero ngayon extra thankful ka kasi healthy ka, ok ka at kailangan talaga gawin mo lahat na, protect yourself para maprotektahan mo ang ibang tao,” saad ng ng aktres.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Kwento pa ni Kath, mas lalo pa niyang na-realize kung gaano dapat pahalagahan ang mga bagay-bagay sa mundo, maliit man o malaki.

“Tapos na-appreciate ko ‘yung maliliit na bagay. Grabe lang yung pagiging grateful ko ngayon sa lahat. Kasi hindi natin in-expect na ganito siya katagal, na ‘yung buong mundo ay tumigil because of this virus. So grabe yung appreciation ko ngayon sa life,” ayon pa kay Kathryn.




Sa nangyayari nga naman ngayon sa buong mundo, ay masasabi natin na dala ng Covid-19 pandemic ay mas binigyan natin ng kahalagahan an gating kalusugan, hindi lang para sa ating sarili kung hindi para rin sa ibang tao. Mas na-apprecite din natin ngayon ang halaga ng mga simpleng bagay sa ating mga buhay, lalo na ang oras at panahon kasama ang pamilya ay isa pala sa dapat natin pahalagahan.



Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments