“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hay0p at malansang isda,” iyan ang ilan sa mga kataga na laging sinasambit na tumutukoy sa pagmamahal sa ating sariling wika.
Alam naman nating lahat na ang ating pambansang wika ay ang Wikang Filipino. Ito ang ating pinagyayaman at mas lumalalim ang ating kaalaman sa ating pag-aaral, kultura at araw araw na pamumuhay.
Bagamat ang ibang mga magulang ay todo ang pagtuturo sa kanilang mga anak ng wikang Ingles, wala namang masama na matuto ng wikang ito dahil ito ay universal language. Pero, mas maigi munang matutunan ng bata ang kanyang sariling wika bago ang mga banyagang wikang ito.
Isang ehemplo si Georgina Wilson dito. Ang kanyang 3 taon na anak ay sinasanay at nag-aaral talaga ng wikang Filipino. Si Georgina ay half Filipina habang ang kanyang asawa ay isang British.
Pero, tinuturuan siya ng kanyang nanny ng wikang Filipino. Ipinapakita ng kanyang nanny ang mga larawan at sasabihin niya kung ano ito sa Tagalog.
Maririnig mo sa kanya ang mga salitang kamatis, kutsara, paa, tubig, araw at iba pa. Bagamat mayroong ilan na maling sagot, karamihan naman ay tama.
Nakakatuwa pa na maging ang asawa ni Georgina ay tinuturuan din ng kanyang mismong anak.
View this post on Instagram
Tuwang tuwa at proud na proud naman ang mga netizens sa ginawang ito ni Georgina:
“Oh so nice to see him learning the language of his mom & so with his dad! While some Filipinos are trying so hard to speak English with their children, this one is so different! Georgina is one of a kind!”
View this post on Instagram
“Wow… amazing… very good. The teacher is also good but she should atleast praise the child everytime the child is correct like wow! Ang galing mo… isang palakpak .. etc just a thought”
“Favorite word: KAMATIS Kidding aside, very cute and smart kids. So happy that Georgina is good to her nanny that’s why she reciprocated care towards the kids. ”
“Very commendable. While pure Filipino parents are trying their best to make their children speak the English language. ”
“He so smart….. congrats to the proud parents they are very eager to teach archie to speak tagalog... Nakakalungkot lang yung ibang filipino parents hindi na nila tinuturuan ang kanilang mga anak na magsalita ng filipino kahit dito mismo sa pilipinas nakatira…“
Source: Trending Planet
0 Comments