Matapos nating hangaan si Zanjoe Marudo sa kanyang karakter bilang isang magaling at madiskarteng electrician na nagngangalang BG sa I Want digital series na My Single Ladies na inilabas noong nakalipas na linggo sa telebisyon.
Ngayon ay muli naman tayong mapapa-ibig ng aktor sa kanyang karakter bilang si Natoy sa re-aired ng seryeng Tubig at Langis sa Primetime Bida time slot kung saan ay kasama niya sina Christine Reyes at Isabelle Daza.
Tulad kanyang karakter sa serye, alam niyo ba na si Zanjoe ay isang Probinsyano sa totoong buhay. Kahit pa nga ba madalas natin siyang nakikita bilang isang sopistikado at eleganteng aktor sa telebisyon, proud ang naturang aktor na maging isang “Probinsyano” dahil tulad ng marami ay sanay siya mamuhay sa isang rural na bayan.
Lumaki ang aktor sa Tanauan, Batangas kung saan ay nakasanayan niya ang buhay probinsya.
Matatandaan na noong nakaraang taon, sa isang panayam sa aktor sa Cinema One ibinahagi ni Zanjoe kung ano ang ilan sa kanyang mga ginagawa noong kanyang kabataan kapag nagbabakasyon siya sa kanilang probinsiya.
“Sa Manila, pagkatapos ng school, then pag weekend at summer nasa Batangas. Sa bukid nagtatanim, nagdadala ng food sa lolo at lola. Kapag tanghali kukuha ng buko, gano’n tapos sumasakay sa kalabaw at naglalaro sa initan.” ang pagbabalik tanaw nga ng aktor sa kanyang kabataan sa probinsya.
Ngayon na isa na ang aktor sa pinaka-kilalang leading man sa showbiz dito sa ating bansa, at ang karera niya ay patuloy na namamayagpag sa showbiz ay sinisigurado ni Zanjoe na ang kanyang kinikita at pinagpaguran bilang isang artista ay mapupunta sa mga bagay na kapaki-pakinabang.
Nang mapanayam noon ang aktor sa Tonights With Boy Abunda, ay ibinahagi nito ng patapos na ang kanyang ipinapagawang rest house, at ito ay itinirik sa isang maliit na mango farm.
Ilang taon na rin umano, ng mabili ng aktor ang kanyang mango farm na nagsisilbing venue nila kapag may mga family gatherings o di kaya naman ay pasyalan niya kapag nais niyang magbakasyon at makalanghap ng sariwang hangin.
Mapapansin naman sa mga Instagram Photos ni Zanjoe na hindi lang siya basta sa kanilang probinsya namamasyal at ineenjoy ang buhay probinsya, dahil maging sa ibang lugar dito sa ating bansa ay sinubukan din ng aktor ang mga aktibidad na pwedeng gawin ng isang probinsyano.
Tulad na lamang ng ilang larawan niya nakuha mula sa iba’t ibang probinsya dito sa ating bansa. Ilan sa aktibidad na ginawa ng 34-taong gulang na aktor, ay ang subukan ang pagsasaka, paglalaro ng basketball sa kalye at pagtulong sa pagluluto ng lechon.
Makikita rin ang mga larawan niya na nagtatampisaw sa dalampasigan at namamasyal gamit ang motorsiklo.
Source: Famous Trends
0 Comments