Naaalala mo pa ba ang napakagaling na pagganap ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Lino Brocka film na ‘Pasan ko ang Daigdig’.
Ito ay pinagbibidahin nila Sharon Cuneta, Loretta Marquez, Princess Punzalan, Mark Gil, at Tonton Gutierrez.
Sa kanyang IG, binalikan ni Sharon ang mga panahong ito na kung saan kailangan nilang mag sh00ting sa lugar na tambakan ng basura o mas kilala sa tawag na Smokey Mountain.
Ayon kay Sharon, napakahirap talaga nito dahil dalawang linggo sila roon. Isang kubo ang kanilang rest area na may mga baboy sa ilalim. Di din sila makainom sa mga baso at tasa dahil puno talaga ng mga bangaw kaya bottled drinks at gumagamit pa sila ng straw.
Di pa makalimutan ng mega star ng may matisuran siyang hindi niya inaasahan.
“Tapos papunta sa set, natisod ako… Sabi ko pagtisod ko, ‘Ay kalabaw!’ Aba, ‘di sinasadya—kalabaw na p@t@y nga ang natisuran ko! May mga p@+ay na aso at puso na nasagasaan, dami u0d. Laro ko, ‘pag nililipat ang camera, lalagyan ko alcohol mga uod tapos sisindihan ko ng posporo!,” kwento ni Sharon.
Talagang mabaho daw doon pero hindi siya nagpakita ng hindi kanais nais sa mga tao doon dahil dalaw lang naman siya doon kumpara sa mga taong nagtitiis na tumira doon.
Kwento pa ni Sharon, bago daw siya umuwi ay may isang bahay na 10-15 minutes away na nagpapaligo sa kanya. Pero pagkauwi ay maliligo pa siya dahil kumakapit talaga ang amoy.
“Naka-humble sa akin ang buong experience ko diyan. Habang talagang ‘pasan ko ang daigdig’, dahil biglang hiwalay na ako sa first husband ko. Kaya bigay-todo. Dun ko na binuhos lahat,” lahad pa ni Sharon.
View this post on Instagram
Missing the late great Director Lino Brocka. Thank you, Jojo Devera. Just saw this!
“Sabi ni Direk when we became really close, galit daw siya sa mga may titulong ‘star’ kasi tingin niya lahat spoiled. Kaya nagulat daw siya nung lahat iutos niya sa akin na gawin, pati pagsalubong sa totoong trak ng basura at paggulong sa basura, ang sagot ko lang, ‘Opo, Direk. Pano niyo po gusto?’ Ni-love na dw niya ako from then on! Tapos we remained close for many years,” pagbabahagi ni Sharon.
Source: Trending Planet
0 Comments