Maxene Magalona, biglang di na nakauwi ng Pinas matapos maabutan ng lockdown sa Bali Indonesia kasama ang kanyang asawa

Bago pa man nagsimula ang enhanced community quarantine, nakaplano na ang pag alis ng artista at anak ni Francis M. na si Maxene Magalona papuntang Bali Indonesia kasama ng kanyang asawa upang mag attend sa isang Teacher training doon.



Credit: Maxene Magalona-Mananquil Instagram

At dahil wala pang ECQ noong oras na iyon, itinuloy nila ang kanilang trip sa Indonesia at noong nasa ibang bansa na sila ay doon nila nakita kung gaano na kalala ang sitwasyon lalo na sa Maynila.

 

View this post on Instagram

 

“Trust the process.” ✨ #fortunateorunfortunate #letswaitandsee 🤷🏻‍♀️😌💫🔮💕

A post shared by Maxene Magalona-Mananquil (@maxenemagalona) on


Bunsod nito, hindi na sila nakauwi rito sa Pinas dahil bawala muna ang sinumang papasok o lalabas ng bansa mula noong March 15, 2020 hanggang sa ika 15 ng Mayo.

Credit: Maxene Magalona-Mananquil Instagram

At dahil wala namang choice sina Maxene, nanatili na lamang sila doon at nagkaroon sila ng training para sa kaniyang body, mind and soul.

Ayon kay Maxene, wala talaga sa plano nila na mag extend doon. Hindi nga naman nila ito inasahan pero wala naman silang magagawa kundi tanggapin ang kanilang sitwasyon.



Credit: Maxene Magalona-Mananquil Instagram

Kaya, naghanap sila ng accomodation na napaka eco friendly din naman. Dagdag pa niya, mas safe naman daw sila doon dahil COVID free pa rin doon sa kanilang lugar.

Credit: Maxene Magalona-Mananquil Instagram

Patuloy man ang pagkalat ng v!rus, mayroon pa ring mga nakabukas na mga tindahan at restaurants subalit ‘at their own risk’ na ang paglabas nito. Kaya, kapag lumalabas at bumibili sila ay nakasuot sila ng face masks.

Alam naman nating mala paraiso sa ganda ang Bali dahil sa naggagandahang beach at kalikasan. Dito ay may nag-ooffer ng yoga at meditation trainings para sa inner peace at healing.

Credit: Maxene Magalona-Mananquil Instagram



Maaari nga namang sabihin ng iba na swerte sila dahil na stranded sila sa napakagandang lugar na ito pero siyempre hindi natin maiaalis sa kaniya na mag alala para sa kaniyang pamilya lalo na at may mga kaanak siya na mga front liners din.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments